3 no bail ang kaso pinatakas o nakatakas sa QCPD-DAID?

NAKATAKAS nga ba o sadyang pinatakas ang tatlong preso na may kasong Section 5 o drug pushing habang nakakulong ang mga ito sa selda ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Quezon City Police District (QCPD)  sa Kampo Karingal?

Ito ang katanungan ngayon ng mga imbestigador ng QCPD  kaugnay sa  umano’y naganap na pagtakas o pagpapatakas sa tatlong bilanggo.

Sinasabing  matagal na umanong may commitment order galing sa korte ang tatlong pugante ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay hind sila dinala sa Quezon City Jail (QCJ) ng mga tauhan ng QCPD-DAID at sa halip ay hinayaan na lang  sa kanilang custody.

Bakit at ano ang nagiging  cash-unduan ng mga  operatiba ng QCPD-DAID at ng mga kamag-anakan ng tatlong pugante  kung bakit hindi sila ibinaba sa QCJ gayung may kautusan na ang korte?

Ang ginawa ng QCPD-DAID ay bawal na bawal at labag ito sa batas kaya dapat sigurong mapaimbestigahan na  itong si QCPD-DAID chief, Chief Insp.  Richard Ang, na sinasabing pinaka-untouchable sa lahat ng opisyal ng QCPD.

SA nakarating na impormason sa Lily’s Files ay napag-alaman na habang nagkakagulo ang ating mga kababayan dahil sa hagupit  ni habagat ay nagkakagulo rin ang mga tauhan ng QCPD-DAID sa paghahanap sa tatlo nilang preso na  may kasong Section 5 na nakatakas noong nakalipas na  Agusto 4 ng gabi.

Kinabukasan umano ng umaga ay nakita nalang ng mga pulis na nilagari umano ng tatlo ang bakal sa kanilang selda at dito umano dumaan ang tatlo.

Walang naniniwalang nilagari ng tatlo ang mga bakal sa selda dahil sa dami ng mga nakakulong dito ay tiyak na  maririnig nila, bukod pa sa ang selda ng QCPD-DAID ay may katabing canteen at tindahan.

Maraming pang nakatambay na pulis at sibilyan sa dalawang bahay kubo na nasa may harapan lang ng selda.

Pilit umanong  itinago  ni QCPD-DAID chief Maj. Richard Ang sa media at maging kay QCPD Director Gen. Mario Dela Vega ang pagtakas ng tatlong preso  na no bail ang kaso sa  pag-aakalang mahuhuli o mahahanap pa nila ang tatlo.

Noong kasagsagan ng pananalasa  ng malakas na ulan  dala ng Habagat ay saka lang umano natuklasan ni QCPD Director Gen. Mario  Dela Vega  ang umano’y  pagtakas ng tatlong  pusher matapos na sabihin ng isang opisyal  kung kaya agad  itong pinaimbestigahan ng heneral sa  tanggapan  ng District Investigation and Detective Management Division ( DIDM). (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply