3 patay sa barilan sa Pasay

NAMATAY ang tatlo katao sa naganap na madugong barilan sa lungsod ng Pasay.

Kinilala  ni PO3 Simon Respicio, Jr., ang mga namatay na sina Jeremy Resureccion, 26, isang nagngangalang Paul Bakla residente ng Macopa St., at ang suspek na kinilalang si Jomel Flore, 32, miyembro ng Mayor’s Clean Team ni Mayor Antonino Calixto at residente ng no. 2464 M. dela Cruz St., ng naturang lungsod.

Ang mga biktima pati na ang suspek ay patay na nang idating sa Pasay city General hospital bunga ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap dakong 9:45 kagabi nang lumusob ang suspek na si Flores sa F. Victor St., kasama ang isang nagngangalang Jayvee Avila at anim na kabarkda na pawang mga armado ng baril.

Nang makita ni Flores ang biktimang si Resureccion na bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan pinaligiran nila ito at pinaputukan ng dalang baril na kalibre .45 at 9mm pistol.

Sa kaganapan tinamaan ng kanyang mga kasahan ang suspek at dalawang biktima bago nagsitakas ang mga ito sa magkakahiwalay na direksyon.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo ng mga suspek sa paslang sa dalawang biktima na ikinamatay rin ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply