3 patay sa kasagsagan ng ulan sa magkahiwalay na lugar

TATLO katao ang namatay habang nasa kasagsagan ang malakas na buhos ng ulan at malawakang pagbaha sa magkakahiwalay na lugar at oras sa Lungsod ng Maynila.
Sa blotter ng MPD homicide section, kabilang sa mga casualty ay isang Overseas Filipino Worker (OFW), caretaker at isang street urchin.

Sa panayam kay MPD Homicide chief, Senior Insp. Joey De Ocampo, alas-6:30 ng kahapon ng umaga ng itawag sa kanila pagkakadiskubre sa bangkay ni Ricardo Opiz, 57, at tagapangalaga ng La France Ferfume sa Paco, Maynila.

Itinawag naman ganap na alas 10 ng umaga ang pagkamatay ng isang hindi nakikilala ngunit pamilyar na residente sa isang kalye sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Barangay Chairman Cesar Luzero, ng Bragy.492 Zone 49, dadalhin sana nila sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), ang biktima nang makita nilang nanghihina ang katawan ngunit inabot na ng pagkamatay.

Bandang alas-11 naman ng umaga nang itawag sa pulis ni Neda Fernandez ang pagkamatay ng kanyang pinsan na si Berlino Torres, OFW, ng 1877 Becerra St. Sta. Cruz.

Sinabi ni Fernandez na huli niyang nakausap ang biktima alas-10:00 ng gabi ngunit nagtaka na sila kung bakit hindi sumasagot nang kinakatok sa kuwarto para kumain.

Dahil dito, aniya, ay napilitan na silang puwersahing buksan ang kuwarto at doon nila natuklasan na wala ng buhay ang kanyang pinsan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply