3 patay sa pagkalunod sa Boracay

NASAWI sa pagkalunod ang tatlo katao habang 12 naman ang nakaligtas matapos hampasin ng malalaking alon sa Boracay.

Bago ang nasabing insidente, nagbabala na umano ang lifeguard sa mga turistang nagbababad sa beach dahil isang linggo nang binabayo nang naglalakihang alon ang isla.

“Sinasabihan namin na kung pwede lang for your safety dito lang sa mas malapit,” ayon kay Asst. Supervisor Jomel Arban ng Lifeguard Center, Boracay.

Dahil dito, nilimitahan ng lokal na pamahalaan ang paglangoy, 15 metro mula sa dalampasigan at limitado rin ang isinasagawang water sports.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply