3 preso pumuga sa Zamboanga City

SA KASAGSAGAN ng brownout ikinasa ng tatlong preso ang kanilang pagtakas sa detention cell ng Sta. Maria police station sa Zambonga City, kagabi (Biyernes, Agosto 3).

Tinutugis na ngayon ng pulisya para maibalik sa kulungan ang mga presong sina Ben Asdali Satul na may kasong illegal possession of firearms at violation of gun ban at sina Orlic Taguran Falardo at Aldrin Jailani Amping na kapwa may pending robbery case.

Sinabi ni Senior Supt. James Mejia, ang bagong officer in-charge (OIC) ng Zamboanga City central police office, na binutasan ng mga preso ang kisame ng kanilang selda gamit ang matulis na bagay at doon sila dumaan sa pagtakas.

Ayon kay Mejia, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-9:00 at alas-10:00 kagabi sa detention cell ng Sta Maria police station habang brownout sa lugar.

Natuklasan na lamang ng mga nakabantay na mga pulis na natakasan na sila nang magliwanag na ang buong kapaligiran sa kulungan o nang bumalik na ang ilaw.

Napag-alaman na maliban sa mga pumugang inmates, hindi na nagka-interes sumama ang iba pang mga preso na naka-detain din sa parehong selda.

Sinabi ni Mejia na posibleng ma-relieve sa puwesto ang hepe ng naturang istasyon na si C/Insp. Larry Domingo kasama ang kanyang mga tauhan na naka-duty noong mangyari ang insidente.

Mahaharap pa rin sila ng kasong administratibo at kriminal dahil sa pagpapabaya sa tungkulin.

Pero nilinaw nito na sa ngayon, inutusan muna niya si Domingo na gawin ang lahat para maibalik sa selda ang mga pumugang preso.

Bibigyan rin ng pagkakataon ang hepe na ipaliwanag kung paano nangyaring hindi nila napansin ang pagtakas ng mga suspek bukod sa madilim sanhi ng brownout.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply