3 salvage victims ikinalat sa QC, Manila

DALAWANG bangkay ng lalaki na biktima ng  summary execution ang natagpuan sa isang bangketa sa Quezon City kaninang umaga (Agosto 22) .

Ang pagkakadiskubre sa dalawa pang bangkay kaya umakyat ang bilang sa walo ang “salvage victims” na nadiskubre sa lunsod sa loob lamang ng 3 linggo. Ang mga biktima ay pawang nay palatandaan ng estrangulasyon.

Sinabi ni PO2 Alvin Quisumbing na wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima na ang mga bangkay ay natagpuan dakong alas  6 a.m. sa Barangay Salvacion, La loma.

Ang mga biktima ay kapwa may ligature marks sa paligid ng kanilang leeg. Inilarawan ang mga biktima na na 35-38 anyos, medium built, at fair skinned.

Sa Manila, isang patay na lalaki ang natagpuan sa loob ng isang sako sa kanto ng Tayuman at Juan Luna street dakong alas  3:30 a.m.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erbin Liwanag, 22, jobless, at residente  ng 2057 Dagupan Extension sa Tondo.

Nakitaan din ito ng ligature marks at sinabing si Liwanag ay biktima rin ng summary execution.

Natagpuan ang bangkay ni Liwanag sa ilalm ng mga  basura.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply