3 senador dadalo sa prayer rally mamaya

TINIYAK ngayon ng tatlong senador na dadalo sila sa prayer rally ng Simbahang Katoliko laban sa Reproductive Health (RH) Bill sa EDSA Shrine mamayang hapon.

Ayon sa pahayag nina Senate President Juan Ponce Enrile, Senators Gringo Honasan at Tito Sotto na sa misa lamang sila dadalo.

Ipinaliwanag ni Honasan na bagamat hindi pa siya desidido sa gagawing pagboto, wala namang masama kung dadalo siya upang ipanalangin na gabayan siya sa oras ng botohan.

Ipagdarasal din aniya niya na hindi maging sanhi ng pagkakawatak-watak ng bansa ang naturang panukalang batas.

Samantala, nakakaasa na ang isasagawang kilos-protesta ng Simbahang Katolika kaugnay sa mariing pagtutol ng simbahan na ituloy pa ng Kongreso ang debate at ang pagsasabatas sa kontrobersyal na Reporductive Health (RH) Bill.

Dahil dito, hinimok ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes ang mga dadalo na magsuot ng kulay pulang damit sa kanilang pagtungo sa Edsa Shrine kung saan idadaos ang nasabing pagkilos.

Nauna rito, inatasan naman ng Malakanyang ang pambansang pulisya (PNP) na tiyakin ang seguridad ng mga dadalo sa nasabing pagkilos.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply