3 sundalo patay, 3 sugatan sa ambus sa Marawi City

NAMATAY ang tatlong sundalo samantala tatlo ang nasugatan nang tambangan ng mga rebeldeng grupo ang isang platoon ng mga sundalo sa Marawi City, sa probinsiya ng Lanao del Sur kagabi.

Ayon kay Army Col Daniel Lucero, commander ng 103rd brigade naganap ang ambush dakong alas 9:30 kagabi sa loob ng campus ng Marawi City habang nagpapatrolya ang naturang mga sundalo. Sa insidente tatlong sibilyan na sakay ng SUV ang nadamay din sa ambush.

Makalipas ang isang oras ay dalawang detachment din ng mga sundalo sa nasabing lungsod ang hinaras at isang sundalo ang sugatan habang minalas na tinamaan at mamatay ang isang taong gulang na bata.

Una rito ay marami ng naitalang karahasan sa Marawi City na ilang sundalo at pulis na rin ang pinagbabaril.

Ayon kay Col. Lucero, lumalala na ang antas ng nagaganap na krimen sa lungsod na kagagawan ng mga bandido na responsable sa mga nangyaring kidnapping at drug pushing sa Marawi City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply