5 patay sa masaker sa Valenzuela

(UPDATE) LIMA na ang patay kabilang sa naganap na masaker sa Valenzuela City kaninang madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Hannah Castro, 15; Samuel Castro, 6 at hindi pa kilalang isang buwan sanggol, pawang ng Saint Jude Subdivision, Malinta ng lungsod.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib ang inang si Berna Castro, 36 ng nasabing lugar.

Namatay din habang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela General Hospital ang suspek na si Jeffrey Torla, 27 at stay-in boy ng mga Castro.

Inoobserbahan naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Joshua Castro, 12 ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw nang pagsasaksakin ng suspek ang mga biktima kung saan kahit sugatan ay nagawang makalabas ng bahay ni Joshua at nakapagsumbong sa mga pulis.

Nang respondehan ay patay na ang tatlong biktima, habang nagsaksak naman sa sarili ang suspek na naging dahilan upang dalhin din ito sa mga nasabing ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply