3 todas sa panibagong atake ng BIFM

DALAWANG security guard at isang Army intelligence agent ang nasawi sa pinakabagong pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) sa dalawang Maguindanao towns sa loob ng 2 araw na nag-iwan din ng limang iba pang sugatan.

Sina Deodemar Barbosa at Moises Catalan, na kapwa empleyado ng Columbia Security Agency, ay nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sugatan naman sina chief security agency na si, Rogelio Ladio, at 3 iba pang farm workers na sina Ronald Benzon, Allan Tanalgo at Carlos Chavez.

Sinabi ni Genuine Kamaong, acting mayor ng Maguindanao’s Datu Piang town, na unang inatake ng mga bandido ang Barangay Magaslong, kaya napilitan ang mga daan-daang ethnic families na iwan ang kanilang kabahayan.

Isinunod na inatake ng mga bandido, na pawang may saklob ng itim na ski masks sa kanilang mukha, ang isang safe house ng Army intelligence team ng 45th Infantry Battalion (IB) sa Barangay Magaslong.

Si Pfc. Roger Warde ay namatay noon din habang sugatan naman ang kasama nitong si Cpl. Edison Medina.

Pinangunahan ng mga miyembro ng 45th IB para itaboy ang mga BIFM bandits na pinangungunahan ni Ameril Umbra Kato, na sinalakay ang mga villages ng Shariff Aguak, Datu Unsay, Datu Saudi, Datu Hofer at Guindulungan towns simula pa noong Agosto 5.

Ang grupo rin ang pinaniniwalaamng nasa likod ng pagsabog na umuga sa North Cotabato at Maguindanao nitong nakaraang Biyernes.

Inambus din ng BIFM ang grupo ng mga security guard na umaalalay sa isang convoy ng mga trak na may kargang shipping containers na puno ng Cavendish bananas sa Barangay Alip sa Datu Paglas town.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply