2 kelot kritikal sa pamamaril sa Taguig

AGAW-BUHAY ang dalawang lalaki nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang naglalakad  kagabi sa Taguig City.

Unang isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital ng mga nagrespondeng tauhan ng Barangay Security Force ng Lower Bicutan sina Allan Lazarte, 24, ng 122 Libis St., at Israel Cruz, 42 ng 43 Visayas St., Central Signal Village bago inilipat sa Parañaque Doctors Hospital sanhi ng matitinding mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ruchyl Gasid ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig police, naganap ang pamamaril sa dalawang biktima alas-11:50 ng gabi habang naglalakad sa kahabaan ng Magsaysay St., New Lower Bicutan sa naturang lungsod.

Nauna rito, may kausap ang dalawa na kanilang titipanin sa isang lugar sa Magsaysay St., nang biglang sumulpot ang nag-iisang suspect na armado ng baril at kaagad na pinaputukan ang dalawa.

Duguang bumulagta kaagad si Lazarte habang nakatakbo pa upang humingi ng tulong si Cruz sa mga Barangay Security Force na naging dahilan upang mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspect. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril sa dalawa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply