300 gramo ng shabu nakumpiska sa provincial jail sa Cavite

TINATAYANG nasa mahigit kumulang na 300 gramo ng shabu ang nasabat ng pulisya sa provincial jail ng Trece Martires, Cavite na tinangkang ipuslit sa loob ng kulungan ng isang 34-anyos na bebot.

Sa ulat sa radyo, bibisitahin sana ng suspek na si Mariel Reyes ang boyfriend na Nigerian sa loob ng bilangguan nang makumpiska sa kanya ang mga iligal na droga.

Binulatlat ng guwardiya ang kahina-hinalang bitbit na glass box ni Reyes at tumambad ang iligal na droga.

Kasong paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Transportation of Dangerous Drugs ang nakatakdang ihain laban kay Reyes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply