33 pamilya sa Bataan puwersahang inilikas dahil sa flashfloods

TINATAYANG 33 pamilya ang puwersahang inilikas ngayon makaraang magkaroon ng flashflood ang dalawang barangay sa Morong, Bataan.

Nabatid na may taas na limang-talampakan ang baha sa Sitio Crossing sa Barangay Poblacion at Sitio Makawayan sa Barangay Nagbalayong.

Bunsod nito, ipinag-utos na ng opisyales ng pamahalaan at Bataan Police ang forced evacuation sa mga nabanggit na barangay.

Kasalukuyan namang nasa evacuation center sa Barangay Binaritan ang mga apektadong pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply