35 OFWs mula Syria, Dubai balik-Pinas ngayong araw

NAKATAKDANG dumating ngayong araw ang 35 overseas Filipino workers (OFWs)  mula sa Syria at Dubai bilang bahagi ng repatriation program ng gobyerno.

Sa ulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nasa 19 Pinoy worker mula Syria, at 17 naman mula Dubai ang nakatakdang dumating ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa OWWA dakong alas-4:47 ng hapon darating ang unang batch ng Pinoy workers lulan ng Emirates Airways Flight EK 332 mula Syria, habang ang mga galing sa Dubai ay darating ng alas-5:25 ng hapon lulan ng Gulf Air Flight GF 156.

Sasalubungin ng mga opisyal ng OWWA at Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga uuwing Pinoy worker para sa kaukulang assistance at gagawing debriefing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply