36 kawani ng Bureau of Immigration sinibak

SINIPA sa puwesto ang 36 na kawani ng Bureau of Immigration dahil sa iba’t ibang kaso ng adminsitratibo sa katiwalian.

Ayon kay BI Commissioner Ricardo David, Jr., maliban sa 36 sinibak ay mayroon pang 41 empleyado ng ahensya ang pinatawan ng suspensyon dahil sa mga paglabag sa batas.

Kasabay nito, ay hinikayat ni Commissioner David ang publiko na agad maghain ng reklamo sa kanyang tanggapan laban sa mga nagkasalang empleyado.

Nagtatag naman si Commissioner David ng complaint redress section (CRS) sa mismong kanyang opisina na siyang tatanggap ng mga reklamo sa pamamagitan ng sulat o kahit na tawag lamang sa telepono.

Samantala, magdiriwang ng ika-72 taong anibersaryo bukas, August 25, 2012 ang Bureau of Immigration.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply