3rd death anniv ni Cory, ginunit ng pamilya Aquino

PANGUNGUNAHAN ng magkakapatid na Aquino kasama ang Pangulong Benigno  Aquino111no ang paggunita ng ika-tatlong anibersaryo ng pagpanaw ng kanilang inang si dating Pangulong Corazon Aquino.

Si Cory ay pumanaw noong August 1, 2009 dahil sa colon cancer.

Kaugnay nito, pasisinayaan ng Pangulo at ng kaniyang mga kapatid ang bust ng democracy icon sa EDSA shrine mamayang hapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakiisa sila sa buong sambayanang Pilipino sa paggunita sa pagpanaw ng dating presidente.

Tinawag nitong moral compass ng bansa si Cory na naging susi sa pagkakaroon ng demokrasya sa bansa matapos na napabagsak ang rehimeng Marcos noong 1986.

Pero ayon kay Lacierda, gusto ng magkakapatid na Aquino na pribadong gunitain ang pagkamatay ng kanilang ina.

Ngayong umaga ay dadalawin ng Pangulo kasama ang mga kapatid na si Ballsy, Pinky, Viel at Kris, ang puntod ni Cory sa Manila Memorial Park.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi ng TV host-actress na si Kris Aquino na may isasagawang misa sa puntod ng kaniyang ina.

Subalit mamayang hapon, kasabay ng pagpapasinaya sa bust ng kanilang ina, bubuksan din ang mini photo exhibit sa Our Lady of EDSA Shrine at isa ring misa ang isasagawa sa EDSA shrine na bubuksan sa publiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply