4 bahay nasira sa pananalasa ng ipo-ipo sa Ozamiz City

NASIRA ang apat na bahay sa Barangay Guimad, Ozamiz City, Misamis Occidental nang manalasa ang ipo-ipo sa lugar.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Council chief Mark Vincent Israel, pinuntahan nila agad ang lugar upang malaman kung anong tulong ang maaari nilang maibigay sa mga nasalanta ng ipo-ipo.

Pero nilinaw naman agad ni Israel na sa kabutihang palad ay walang nasugatan sa pananalasa ng ipo-ipo.

Umaabot naman sa P50,000 ang initial damages sa nasabing kalamidad.

Nagpaabot na rin ng tulong na pagkain at kagamitan ang City Social Welfare and Development (CSWD) sa mga apektadong pamilya.

Napag-alaman na sa bayan din ng Kapatagan, Lanao del Norte ay may ilang kabahayan din ang nasira dahil sa pananalasa pa rin ng ipo-ipo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply