4 estudyante sinapian ng masamang espiritu

NAGSASAGAWA na ngayon ng masusing imbestigasyon ang Simbahang Katolika kaugnay sa pagsapi umano ng masamang espiritu sa apat na estudyante ng Manggan National High School sa bayan ng Banga, Aklan.

Ayon sa albularyong na siyang gumamot sa mga kabataan, malaki ang kanyang paniniwala na sinapiaan ang mga estudyante ng espiritu dahil nagpapakita ang mga ito ng kakaibang lakas, umuungol, biglang natutumba, nawawalan ng malay at tumitirik ang mga mata.

Sinabi pa ng isa sa mga biktima, may humihikayat daw sa kanila na isa umanong prinsipe papunta sa puno ng acacia sa loob ng kanilang paaralan.

Nagsimula ang pagsanib ng masamang espiritu matapos putulin ang mga sanga ng puno sa kanilang eskuwelahan sa paglilinis ng mga estudyante para sa kanilang beautification project.

Iminungkahi ng albularyo na kailangan ang taimtim na pagdarasal para sa mga sinapiang estudyante at pag-blessing sa loob ng eskuwelahan.

Nagsasagawa na rin kaukulang pagsisiyasat ang pamunuan ng Simbahan para alamin ang tunay na naganap sa mga estudyante.

Samantala, nitong nakaraang July 21, 2012, sinapian din ng masamang espiritu ang 15 mag-aaral ng Buanoy National High School sa bayan ng Balamban Cebu.

Ayon kay PO2 Godofredo Dumdum ng Balamban police station, kahapon ng alas-10:00 ng umaga nang magpakita ng kakaibang kilos ang 15 estudyante.

Kakaiba umano ang isinisigaw ng mga mag-aaral na animo’y demonyo ang boses.

Bukod dito, nagwawala ang mga ito at nanlilisik ang mga mata.

Agad namang pinuntahan ng parish priest at mga pastor ang mga mag-aaral upang awatin ito ngunit napakalas umano ng mga bata.

Sa 15 mga high school student, ilan dito ay dinala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply