4 minasaker sa Capiz

NAGSASAGAWA  ngayon ng imbestigasyon ang pulisya sa  Capiz  makaraang paslangin ang apat katao kabilang ang dalawang bata na natagpuan sa  Dumalag kahapon.

Nagtagpuan ang mga biktima na nakilalang isang retired teacher na si Ramona Gafate, 70; Wilma Catalan, 27; at mga anak ni Catalan na sina  Zoe, 4, at Catherine, 3, bandang alas-3:00 ng hapon.

Nabatid na natagpuan ng pamangkin ni Gafate at ni dating  Dumalag  councilor Martin Frac ang mga biktima sa loob ng bahay ni Ramona.

Hinihinala naman ng mga imbestigador na pinaslang ang mga biktima noon pang Lunes.

Nakita rin sa kusina ng naturang bahay ang isang duguang kutsilyo at isang suicide note.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply