4 miyembro ng pamilya minasaker sa Cauayan City

PINASLANG ang may apat na miyembro ng pamilya na hinihinalalang ninakawan sa San Lorenzo Ruiz Subdivision sa Marabulig 1, Cauayan City kaninang madaling araw, Agosto 9.

Nabatid na nagtamo ng mga saksak sa katawan ang mga nasawi na sina Annabel Bartolome, 31; mga anak na sina Ninio Bartolome, 11, Ana Isabel Bartolome, 7, at ang pamangkin na si Jona Martines, 13, pawang mga taga Research Minante 1, Cauayan City.

Ayon sa pahayag ng kinakasama ni Annabel na si Angelito Ramos, 57, tricycle driver, pag-uwi umano niya ng bahay dakong alas-4:00 ng madaling araw mula sa kanyang pamamasada ay natagpuan niya na duguan at wala ng buhay ang mga biktima.

Pinilit niya umanong buksan ang pintuan ng kanilang bahay nang walang sumasagot sa kanyang pagkatok at nang mabuksan ito ay gumulantang sa kanya ang mga bangkay ng biktima sa sala na duguan.

Ayon pa kay Ramos, nawawala umano ang hindi pa malamang halaga ng pera, mga alahas at ilang gamit sa kanilang bahay.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) mula sa Ilagan, Isabela katuwang ang PNP Cauayan City sa nasabing krimen kung saan blangko pa rin ang mga ito sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply