4 na barko ng Philippine Navy, idineploy sa Masbate

NAGDEPLOY na ng apat na barko ang Philippine Navy para sa karagdagang equipment na gagamitin sa isinasagawang search and rescue operations sa pinagbagsakan ng Cessna plane ni DILG Secretary Jesse Robredo.

Ayon sa Phil. Navy apat na PN vessels, isang islander aircraft ang kanilang idineploy sa lugar .

Bukod dito, una na ring nagpadala ng dalawang grupo ng diving teams para sa operasyon.

Kumpiyansa naman ang Navforsol Bicol na kakayanin ng nasabing mga equipment ang lalim ng dagat sa Masbate kung saan bumagsak ang eroplano na sinakyan ni Robredo.

Ayon naman kay Phil. Navy Commander Darwin Nieva, aabot sa 20 feet ang lalim ng dagat na kayang pasukin ng equipment na TRIMIX.

Gayundin ang sonar equipment mula sa Cebu ay katuwang din sa operasyon at maging ang lokal na pamahalaan ng Albay ay nagpadala na rin ng dalawang patrol gunboat na tutulong sa search and rescue operations.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply