4 na holdaper pinalagan, umatras

NAUDLOT ang ginawang panghoholdap ng apat na suspect na pawang mga armado ng toy gun makaraang pumalag ang anak at pamangkin ng may-ari ng dental clinic na kanilang pinasok kamakalawa ng hapon sa Paranaque City.

Nagpanggap umanong mga pasyente ang mga holdaper nang pasukin ang Olive Aites-Lim Dental Clinic sa 7161 N.I. Garcia St., Brgy San Dionisio dakong alas-3:30 ng hapon at kaagad tinutukan ng hawak na toy gun si Dra Lim sabay kuha sa cellphone at P2,000 cash sa biktima.

Umakyat pa sa ikalawang palapag ng klinika ang dalawa sa mga suspect na nagsisilbing tirahan naman ng dentista upang mangulimbat subalit nasalubong sila ng anak ng biktima na si Jonathan at pamangkin na si Glenn Lim.

Nanlaban ang dalawa at nakipag-agawan sa dalang baril ng mga suspect kaya’t napilitang tumakas ang mga holdaper matapos maagaw ng dalawa ang hawak na baril na kanilang natuklasan na isa lamang toy gun.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply