4 na suspect sa pagpatay kay Kua negatibo sa gunpowder

NEGATIBO sa pulbura o gunpowder burns ang apat na  suspect sa robbery-slay sa dating tourism official at STAR columnist Nixon Kua noong Hulyo 2, ayon sa ulat ng isang medico legal officer.

Halos, aniya, 72 oras ang nakalipas mula ng ikasa ang krimen nang isalang ang apat na suspect sa  paraffin test nitong nakaraang Hulyo 24.

Sinabi ni Roy Camarillo na ang resulta sa paraffin test na isinagawa ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) sa suspect na sina Darwin Samiano, 20, John Rey Cortez, 22, Noel Garcia, 23 at Michael Molino, 21, lumabas na sila ay negatibo sa gun-powder residue.

Sinabi ni Senior Superintendent Vladimir Villaseor, hepe ng Crime Laboratory Office sa Region 4A, na ang narekober na basyo ng isang .45 caliber pistol ng Task Force Nixon ay dinala sa Philippine National Police crime laboratory sa Camp Crame, Quezon City para ikasa sa  ballistic examination.

Gayunman hin di naman ito makaaapekto sa mge ebidensya laban sa mga suspect, na pawang positibong kinilala ng mga miyembro ng pamilya Kua na mismong nakasaksi sa krimen.

Sinabi naman  ni Senior Superintendent Bernabe Balba, Criminal Investigation and Detection Group 4A regional director, na hinahanap pa rin ng k anyang mga tauhan ang murder weapon, na isang .45 caliber pistol, at ang   P90,000 cash na tinagay ng mga suspect sa anak na babae ni Kua. Binaril si Kua sa mukha at sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kinalaunan ay namatay sa isang ospital. Sugatan din ang kapatid na lalaki ni Kua na si Allyson

Sinabi ni Balba na ang 4 na suspect ay kinasuhan na ng robbery with homicide at frustrated murder sa Prosecutor’s Office sa Calamba City nitong nakaraang Martes.

Sinabi ni Laguna police director Senior Superintendent Gilbert Cruz na si Samiano ang triggerman na bumaril kay Kua, habang ang asawa naman ni Kua na si Susan ay si Cortez ang itinuturong bumaril kay Allyson.

Nahaharap din ang apat sa kasong panggagahasa sa hiwalay na insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply