4 nahulog sa septic tank ng mall, todas

HINUHUGASAN ng tubig ang katawan ng mag-aamang Romy, Rodel, Rommel Suarez at Marvin Leiman ng malunod sa septic tank na nililinis nang bumulwak ang tubig makaraan matanggal ang bara ng restawran sa mall sa Araneta Center, Cubao, QC kaninang umaga.

APAT na manggagawa ang namatay makaraang mahulog sa inaayos na septic tank ng Ali Mall sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Romy Suarez, dalawang anak ng una na sina Rodel at Romel, habang ang isa pa ay si Marvin Aleman, pawang mga manggagawa ng RCBC Plumbing na pag-aari ng isang Helen Caragan

Sa ulat sa radyo, dakong alas-3:00 ng madaling araw ay nagkaaberya ang septic tank ng naturang mall nang may bumara dito dahilan para ayusin ito ng apat na manggagawa na pauwi na sana.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), bumulwak ang septic tank na umabot sa halos 10 talampakan.

Dahil dito, hindi nakaahon ang isa sa mga biktima kaya naman tinulungan ito ng tatlo pa hanggang sa silang lahat ay ma-trap sa loob ng septic tank.

Umaga na nang maiangat ang bangkay ng apat na dinala na sa punerarya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply