4 ‘tabas gang’ naaresto sa Recto, Maynila

ARESTADO ang apat na miyembro ng “tabas gang” sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Manila Police District-City Hall Public Assistance (MPD-CHAPA) sa kahabaan ng Recto Avenue, Maynila.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa detencion cell ng MPD-CHAPA ang mga suspek na sina Jeffrey Aquias, 26; Roel Enriquez, 27; Raymuns Sumagui, 38; at Helbert Angeles, 28.

Ayon kay PSI Rolando Lorenzo Jr., ang pagkakaaresto sa apat ay bunsod na rin ng reklamo ng kamag-anak ng TV anchor na si Julius Babao na kanilang nabiktima sa lugar.

Modus operandi ng “tabas gang” ay magsasakay sila ng pasahero sa kanilang kuliglig papuntang Recto na ang kabayaran lamang ay P50.

Kapag nahikayat ang pasahero na sumakay sa kanilang kuliglig ay saka naman aangkas ang isa pang backride.

Pagdating sa destinasyon, ay saka sisingilin ng halagang P400-500 sa kanilang biyahe.

Sa oras na tumanggi ang pasahero na bayaran ang nasabing halaga at saka tatakutin ang pasahero at lilimasin lahat ang kagamitan at pera.

Ayon pa kay Tajonera, kadalasan umanong biktima ng grupo ay mga estudyante.

Agad namang umaksyon ang mga tauhan ng MPD-CHAPA at isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Tatlong kuliglig din ang kinumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong “Robbery with Intimidation and obstruction.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply