400 sako ng mineral ore nasamsam sa Mt. Province

AABOT sa 400 sako ng mineral ore ang nasamsam ng Bontoc Police sa Mt. Province.

Nabatid kay Bontoc Police Chief Inspector Diane Pangcawayan na inaresto nila ang driver ng isang 10-wheeler truck nang wala itong maipakitang permit na kinilalang si Johnson Sapling, 27-anyos.

Nai-turn over na ang mga mineral ore sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 7942 o ang Mining Act of the Philippines si Sapling.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply