45 biktima ng human trafficking,nasagip

NASAGIP ng mga tauhan ng Task Force Anti-HumanTrafficking ang 45 na hinihinalang biktima ng human trafficking na nakatakda sanang ipadala sa Malaysia.

Arestado naman ang recruiter na si  PO1 Ladjahasan kasama ang asawa nito sa may Bongao,Tawi-Tawi.

Ang Task Force Anti-Human Trafficking na kinabibilangan ng Philippine Coast Guard (PCG), PNP, LGU, 5TH Marine Battalion Landing Team, Philippine Coast Guard, at nang Aviation Security Group ay nananatiling nakaalerto partikular sa Western Mindanao.

Nabatid na sa naturang bilang, 25 dito ang mga babae habang 20 naman ang mga lalaki  na nagmula pa sa probinsya ng Sultan Kudarat, Sulu sa Mindanao at ang iba ay galing naman sa ibat-ibang panig ng Luzon.

Ang mga biktima ay pinangakuan umano ng suspek na makapagtatrabaho sa isang farm sa Sabah, Malaysia.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga na-rescue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply