46-anyos tinsmith binoga ng katagay sa Tondo

PATAY ang 46-anyos na tinsmith nang pagbabarilin ng kainuman matapos ang kanilang pagtatalo sa Tondo, Maynila kaninang umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo si Rodlofo Ramos,  ng 999 Interior C, Morong Street, Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jonas Orodnio, 20, may-asawa, walang trabaho ng 3016 Pilar St., Manuguit, Tondo, Manila na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:50 ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Nabatid na  nag-iinuman ang biktima at suspek malapit sa bahay ng huli nang sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay nagkapikunan na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Gayunman, upang hindi na lumala pa ang kanilang awayan ay tinapos na nila ang kanilang inuman at nagpasyang umuwi na lamang.

Subalit lingid sa kaalaman ng biktima, hindi umuwi ang suspek sa kanilang bahay at sinundan nito ang una at pagdating sa harapan ng kanilang bahay ay sinigawan nito ng ”

Ano ang inaangas-angas mo” sabay pinaputukan si Ramos ng dala nitong kalibre 45. .

Tinangka namang tulungan ang biktima ng kapatid nitong si Rolando, 43, subalit maging siya ay tinutukan ng baril ng suspek at sinabihan na wag makialam.

Nang nakatakas ang suspek ay saka lamang tinulungan ni Rolando ang duguang kapatid at isinugod sa ospital pero idineklarang dead-on arrival na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply