48 na namatay sa hagupit ni ‘Gener’

UMABOT na sa 48 ang bilang ng iniwang patay ng pananalasa ng bagyong Gener noong nakaraang lingo.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos, kasama sa nadagdag sa listahan ang mag-amang mangingisda na narekober ang katawan sa San Ricardo, Southern Leyte.

Nadagdagan din ng apat na tao ang bilang ng mga nawawala at kasama rito ang dalawa mula sa Ilocos at tig-isa naman sa Mariveles, Bataan at sa Obando, Bulacan.

Kaugnay nito, pumalo na rin sa mahigit sa P222-milyon ang halaga ng pinsala ng bagyo at mahigit sa P100-milyon dito ang mula sa agrikultura.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply