49 na patay sa hagupit ng Habagat – NDRRMC

TUMAAS pa sa 49 ang bilang ng namatay sa hagupit ng Habagat na nagdulot ng ilang araw na pag-ulan sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon.

Sa ulat sa radyo, batay sa latest update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 26 sa 49 na namatay ay galing sa National Capital Region (NCR), 19 sa Region 3, tatlo sa Region 4-A at isa sa Region 4-B.

Pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay ng karamihan sa mga kaswalidad.

Nasa kabuuang 460,273 pamilya naman o mahigit 2.11 milyong indibidwal ang naapektuhan ng matinding pagbaha sa 80 lungsod at bayan sa NCR, Regions 1, 3, at 4-A

Marami rin ang nasugatan at may ilan pang iniulat na nawawala.

Samantala, kahit bahagyang bumuti na ang lagay ng panahon kanselado pa rin ang pasok sa eskwela sa Metro Manila at karatig na lalawigan ngayong araw.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply