5 bangkay na nakuhaan ng ‘budol money’, napulot

LIMANG bangkay na pare-parehong nakuhaan ng ‘budol money’ at hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City at Maynila kaninang madaling araw, Agosto 18.

Bandang alas-4:00 ng madaling araw nang unang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa North Luzon Expressway(NLEX) sa Barangay Unang Sigaw, Balintawak kung saan narekober sa kanya ang ‘budol money’ sa kanyang bulsa.

Pangalawa namang natagpuan ang bangkay ng dalawang babae sa Blumentritt, Maynila na nakasilid sa balikbayan box na may sulat na  ‘Budol-Budol ako’ at kapwa may marka ng pagkakasakal at may budol money din sa mga bulsa ng mga nito.

Kasunod na natagpuan ng isang barangay tanod na si Eduardo Abrenica ang dalawa pang magkatabing balikbayan box sa Lincoln Street, Barangay San Antonio kung saan nakasilid dito ang bangkay ng isang lalaki na tinatayang nasa 35 hanggang 40-anyos na may ‘budol money’ rin at may marka ng pagkasakal.

Habang isang babae naman ang laman ng isa pang kahon na na nakitaan din ng ‘budol money’ at sakal sa leeg.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa mga nasabing krimen na hinala ng pulisya ay magkakaugnay ang mga ito dahil sa mga bakas ng pagkakasakal.

Lumalabas na pareho rin umanong puting L300 van ang ginamit sa pagtapon ng mga bangkay batay na rin sa kuwento ng mga saksi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply