5 dam patuloy sa pagpapakawala ng tubig

NANANATILING nakabukas ngayon ang gate ng limang pangunahing dam sa bansa para magpakawala ng sobrang tubig.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrologist Elmer Caringal, ilan sa mga ito ay ang Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque at La Mesa Dam.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Caringal na walang kinalaman ang pagbubukas ng gate ng mga dam sa pagtaas ng tubig sa Marikina River.

Samantala, tiniyak ni Caringal na hindi dapat mabahala ang publiko dahil sa ngayon ay kontrolado nila ang pagbubukas ng gate sa mga dam.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply