5 dam sa Luzon nagpakawala ng tubig

NAGPAKAWALA na ng tubig ang limang dam sa Luzon dahil sa banta ng pananalasa ng makasanib na bagyong “Igme” at “Julian”.

Ayon sa Hydromet Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na nagpapakawala ng 329 cubic meters per second na dami ng tubig ang San Roque Dam sa isang gate nito na nakabukas ng kalahating metro.

Nadagdagan naman at nasa 202 cubic meters per second na ang pinakakawalang tubig ng Binga Dam sa dalawang gate nito na nakabukas ng tig-1.5 meters

Dalawang gate rin ang nakabukas sa Ipo Dam na naglalabas ng 144.4 cubic meter per second na dami ng tubig.

Isang gate naman ang nakabukas sa Ambuklao Dam na nagpapakawala ng 134 cubic meters per second.

Nakabukas naman ng isang metro ang isang gate ng Angat Dam na naglalabas ng 126 cubic meters per second na dami ng tubig.

Ang pagbubukas ng limang dam ay bilang paghahanda sa malakas na pagbuhos ng ulan bunga ng bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply