5 Koreano tiklo sa illegal online gambling

NAKUWELYUHAN ng Regional Special Operation Group (RSOG-7) ang limang Korean national na nagkakasa ng illegal online gambling sa Banyan St., Pacific Grand Villas, Barangay Subabasbas, Lapu-Lapu City kaninang madaling araw.

Ang mga nahuling dayuhan ay sina Steve Lee alyas Park Sangmin, 32, at ang mga kasaman nitong Joeng Jong Ho, 42, Park In Gyu, 30, An Ji Hwan, 32, at Kang Jae Wook.

Sinabi ng hepe ng RSOG na si C/Insp. George Ylanan, na bago ang pagdakip ay nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa iligal na gawain ng naturang mga Koreano.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang awtoridad sa loob ng tatlong buwan at komunsulta pa kay Lapu-lapu RTC Judge Meindrado Paredes kung ano ang kanilang dapat gawin dahil ang nasabing pasugalan ay sa pamamagitan ng computer.

Nagpalabas naman si Paredes search warrant laban sa limang dayuhan.

Kasong paglabag sa RA 9287 o illegal numbers game ang haharapin ng mga naturang Koreano.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply