5 resolusyon pinagtibay para kay Robredo

PINAGTIBAY ngayong Miyerkoles ng Senado ang limang resolusyon na nagbibigay pugay at pagpaparangal kabilang ang pakikidalamhati sa pagkamatay ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa kontribusyon sa magandang pamamahala sa gobyerno.

Pinagsanib naman ang limang resolusyon sa Senate Resolution No. 120, ang Senate Resolution Nose.  841, 842, 843, 844, 848, at 850, na inihain nina Senador  Frank Drilon, Tito Sotto, Kiko Pangilinan, Lito Lapid, Bong Revilla at Senate President Juan Ponce Enrile, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Isinara naman ng Senado ang sesyon matapos ang pagpasa ng naturang resolusyon bilang pagbibigay daan sa pagluluksa sa kamatayan ni Robredo.

“Today, we in the Senate remember the legacy of an extraordinary civil servant whose life was taken from us one day too soon. While we lament his untimely passing, we nevertheless celebrate the heritage of his invaluable leadership that first dawned in the City of Naga – a city he nurtured for 18 years – and radiated brightly in the President’s cabinet as he shouldered the crucial post of Secretary of the Interior and Local Government,” ayon kay Drilon sa kanyang talumpati sa  Senate Resolution No. 120.

“Without a doubt, Secretary Robredo would have achieved more if he was not taken from us last week. This local executive-turned quintessential public servant would have left an imprint in Philippine politics that a few in his generation would have accomplished,” dagdag ni Drilon.

Sinabi naman ni Enrile sa kanyang pakikidalamhati sa pamilya ng dating kalihim, na “Secretary Robredo was a close friend of mine, and I deeply mourn his passing. He could have been a great leader of this nation, a promising one. He is truly a great loss not just to his family but to the entire country.”

“On behalf of the Senate, I join the rest of the nation in grieving over the passing of a well-loved public servant and urge the national government to extend full state honors for him in grateful recognition of his services to the country,” ayon pa kay Enrile.

Sinabi ng resolusyon na nawalan ang bansa at mamamayan ng isang mahusay na public servant na itinaas ang antas ng serbisyo publiko at naging modelo na dapat tularan ang kanyang integridad at ugali sa public service.

Tumanggap si Robredo ng iba’t ibang award tulad ng   2000 Ramon Magsaysay Award for Government Service, ang 1996 Outstanding Young Persons of the World (TOYP) Award, Outstanding Young Men of the Philippines (TOYM Award, 1998 Konrad Adenauer Medal of Excellence bilang Most Outstanding City Mayor of the Philippines at kauna-unahang “Dangal ng Bayan” Award of the Civil Service Commission.

Mayroon din siyang  honorary Doctor of Humanities degree mula sa Far Eastern University sa Manila noong March 2008.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply