6 dam nagpakawala na ng tubig

PATULOY na nagpapakawala ng tubig ang anim na dam sa Luzon bilang paghahanda sa ulan na ibubuhos ng bagyong Helen.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astonomical Services Administration (PAGASA) hydrologist Sonia Serrano, hanggang kaninang alas 4:00 ng madaling araw ay nananatiling bukas ang gate ng Ängat (3 gate), Ipo (1 gate), Ambuklao (2 gate), Binga (3 gate), San Roque (1 gate) at Magat (1 gate).

Nasa 79.3 ang lebel at hindi pa umaapaw ang tubig ng La Mesa Dam.

Dahil dito, inalerto ng PAGASA ang mga residente na pag-ibayuhin ang pag-iingat lalo na sa mabababang lugar na maaapektuhan ng tubig baha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply