6 pang miyembro ng BIFM, patay sa sagupaan

ANIM pang miyembro ng Bangsa Moro Islamic Freedom Movement Fighter (BIFM) ang napatay sa nagpapatuloy pang combat operation ng militar laban sa sinasabing MILF Break-away group sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito ay sa likod ng panibagong banta ng BIFM na pinamumunuan ni Commander Ameril Umbra kato na maglulunsad sila ng mas malawak at mas malaking mga pagsalakay sa pagtatapos ng Ramadan sa darating na Lunes o pagsibol ng bagong buwan.

Ayon kay 6th Infantry Division Public Affairs chief Col. Prudencio Asto, ang anim na napatay ay karagdagan na sa unang napa-ulat na may 50 freedom fighters na ang napatay sa mahigit isang linggong tugisan sa area ng Maguindnao.

Nabatid na tatlo pang kampo ng BIFM ang nakubkob ng militar sa Camp Omar Complex.

Ito ay kinabibilangan ng Hill 166, Hill 714 at Hill 546 na kilalang stronghold ng mga rebelde na punong-puno umano ng mga bunkers.

Nabatid na nagbanta si BIFM spokesman Abu Misry Mama na maglulunsad sila ng malawakang pananalakay sa North Cotabato at Maguindanao sa pagtatapos ng Ramadan.

Deadma lang sa military ang nasabing mga pananakot dahil lagi naman umanong naka-alerto ang puwersa ng militar at pulisya sa nasabing area.

Samantala, namahagi naman ng tulong ang provincial government ng Maguindanao sa pangunguna ni Governor Esmael “Toto” Mangudadatu sa libu-libong pamilya na lumikas mula sa mga apektadong bayan na sinalakay ng mga rebelde.

Samantala, naki-usap naman ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) at sa ilang miyembro ng media na hindi dapat tawagin ang Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) o ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) bilang renegade ng MILF.

Ayon sa kanilang taga pagsalita, ang BIFM at BIFF na bagamat dating bahagi ng kanilang grupo ay tuluyan na umanong tumiwalag ang mga ito at hindi na rin kinikilala ng kanilang organisasyon, hindi kailangan ikabit pa ang pangalan ng MILF sa grupo ni Kato.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply