60 na patay sa bakbakan ng militar, grupo ni Kato

UMAKYAT na sa 60 ang mga iniulat na namatay sa sagupaan sa pagitan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao province.

Ayon sa pahayag ni Col. Prudencio Asto, public affairs chief ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na nasa 50 sa mga ito mula sa BIFF, habang 10 naman ang nalagas mula sa hanay ng sundalo.

Sinasabing umaabot na rin sa 20 sa panig ng militar ang sugatan subalit higit na marami ang sugatan sa panig ng mga rebelde.

Sa ngayon ayon kay Asto, wala ng naiulat na harassment sa nasabing lalawigan ngunit nanatili pa rin na nakaalerto ang militar sa naturang lugar.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy ang pagbabantay ng mga ito sa Sultan Kudarat-Cotabato National Highway na bukas mula alas-7:00 lamang ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply