60 patay, 27 nawawala, P1.8 B pinsala dahil sa kalamidad – NDRRMC

UMAKYAT na sa 60 ang bilang ng mga nasawi, 27 nawawala at tinatayang P1.78 billion ang halaga ng pinsala sa pananalasa ng kalamidad.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kabilang sa mga apektadong lugar ay Regions IV-B, V, VI, VII, VIII, X, XI, XII, CARAGA at ARMM.

Kabilang pa sa nawawala ay ang 14 sa Region V, lima sa Quezon, tatlo sa Palawan, tatlo sa Davao del Sur at dalawa sa Caraga Region.

Mahigit 12,000 pamilya o katumbas ng mahigit 60,000 katao naman ang nanatili sa 72 evacuation centers.

Tinataya naman na mahigit sa P1.78 billion ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura maging sa ari-arian dulot ng nararanasang sama ng panahon.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply