60,000 guro kailangan ng Aquino administration

TARGET ng Aquino administration na magdagdag ng 61,510 na guro sa buong bansa para sa susunod na taon.

Maliban pa rito, nakatakda ring kumuha ang Department of Education (DepEd) ng 3,500 non-teaching employees na may pondong ilalaan na P730 milyon sa susunod na taon at pagbili rin ng mga kagamitan at pagbuo ng mga silid-aralan.

Bibili rin ang DepEd ng 639,185 upuan, na nagkakahalaga ng P575-M, 31.1 milyong libro na may halagang P1.49 B at isang milyong scholarship slots sa ilalim ng Gastpe Program na may nakalaang P6.98 bilyon.

Naniniwala naman si Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education na malaking bagay ang panibagong dagdag na guro upang maibsan ang kakulangan ng mga guro na may pondong P14.6B.

Pero nilinaw ni Angara na dapat siguruhin na tanging ang mga magagaling na guro ang kukuhanin ng gobyerno at hindi dahil sa pagiging malapit sa maimpluwensyang indibiduwal sa pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply