6/55 Grand Lotto jackpot papalo sa P134-M

POSIBLENG pumalo sa mahigit P134 milyon ang premyo sa 6/55 Grand Lotto na nakatakdang bolahin bukas ng gabi makaraang wala pa ring nakakuha sa lumabas na kombinasyong kagabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, nanatiling mailap sa libo-libong mananaya ang premyong P126,095,540.40 matapos wala isa mang makakuha sa lumabas na kombinasyong 37-05-36-22-52-04.

Bigo rin ang mga mananaya na mahagip naman ang kombinasyong 22-27-05-30-13-21 ng 6/45 Mega lotto na binola rin kagabi na may kabuuan sanang premyong P41,248,126.80

Dahil dito, pinayuhan ni Rojas ang mga mananaya na tumaya ng maaga upang makaiwas sa inaasahang mahabang pila ng mga nagbabakasakaling maging instant milyonaryo sa mga lotto outlet.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply