7-anyos hinostage sa Cebu City

ISANG 7-anyos na batang babae ang hinostage at pinakawalan din matapos ang dalawang oras sa Cebu City kaninang umaga.

Ayon sa ulat sa radyo, hinostage ni Paul Gigi, 25, manggagawa, ang bata gamit ang gunting at improvised ice pick bandang alas-9:00 ng umaga sa Barangay Apas.

Nabatid na kadarating lamang ng suspek sa Cebu City galing sa Negros upang makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

Batay pa sa inisyal na ulat, naglalaro ang bata sa naturang lugar nang bigla itong dakmain ng suspek at ginawang hostage.

Ngunit matapos ang dalawang oras ay kumalma naman ang suspek at pinakawalan na ang biktima.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at binabalak na dalhin sa ospital para sa medical examination.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply