7-anyos na paslit dinukot sa Quezon City

(UPDATE) DINUKOT ang isang 7-anyos na babae sa Quezon City kaninang umaga, ayon sa ulat ng pulisya.

Sinabi ni PO3 Edilberto Varga na ang mga kidnapper na sakay sa dalawang gray Toyota Vios, ay tinangay ang hindi pinangalanang biktima sa tapat ng isang eskuwelahan sa F. Sotto Street sa loob ng BF Homes Subdivision sa Barangay Holy Spirit dakong alas-7:00 ng umaga.

Isa sa mga kotse, na may plate number sa harapan na  TLO 480 at isang tampered back plate number na TEO 480, ay nahabol sa ikinasang pursuit operation.

Gayunman, wala ang dinukot na paslit sa loob ng kotse at pinaniniwalaang nasa loob ng isa pang kotse na may plate number TQR-362.

Hawak na ngayon ng awtoridad ang isa sa mga suspek, na nakilalang si Guillermo Garcia ang naaresto.

Tumanggi naman si Varga na magbigyan pa ng ibang detalye hinggil sa insidente dahil patuloy ang police operations para mabawi ang biktima at maikulong ang mga kidnappers.

Blangko pa ang Quezon City Police District (QCPD) kung ano ang motibo sa pagdukot sa biktima, kung ito ba ay kidnapping with ransom o simpleng pag-aaway sa kustodiya ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply