7 dayuhan kinasuhan sa iligal na droga

PATUNG-PATONG na kasong kriminal ang kinakaharap sa Department of Justice (DOJ) ng pitong dayuhan na nagtangkang magpasok ng bawal na droga sa bansa.

Kabilang sa mga idinemanda ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ay sina Francisca Jovian na nakuhanan ng 3.7 kilo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P29.8 milyon; Tamil Veloo at N Chandrar Naddarajan na nahulihan ng 6 na kilo ng shabu (P48 M); Ooi Hock Guan na nahulihan ng 4 na kilo ng shabu (P32.4M); Danny Boon Eng Ng na nahulihan ng 2.3 kilo ng iligal na droga (P18.4M); Sun Bahadur Tamang na nahulihan ng mahigit isang kilo ng iligal na droga (P11M) at Duong Thi Yen na nahulihan ng 2.9 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P23.2M.

Sa isinumiteng reklamo ng Bureau of Customs (BOC) sa DOJ kabilang sa mga kasong haharapin ng pitong respondent ay paglabag sa ilang probisyon ng Tariffs and Customs Code at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Aabot naman sa kabuuang P163 milyon ang halaga ng shabu na nasabat ng mga customs official sa NAIA mula sa mga nasabing dayuhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply