7 indibidwal kinasuhan ng smuggling ng BOC

SINAMPAHAN ngayon ng kasong smuggling ng Bureau of Customs ang limang negosyante at dalawang brokers dahil sa iligal na importasyon ng sibuyas at Peking Ducks na nagkakahalaga ng P18 milyon.

Kinilala ang mga kinasuhan na sina Randy Salguero Garbosa, may-ari ng RSG Marketing; import manager Adonis Andilab at broker Jucylita Garcia; Jaime Martinez, may-ari ng Reachable Enterprises at broker Janet Jackielou Cariga; Estelito Mallari at Gary Madugnon, consignee at shipper ng kargamento mula sa Cagayan de Oro City.

Ang mga kargamento ay nasabat noong Mayo hanggang Hulyo sa Port of Manila at Manila International Container Port.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines, department orders ng Department of Agriculture (DA) at Article 172 ng Revised Penal Code ang mga kinasuhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply