70 bahay lubog sa baha sa Agno, Pangasinan

DAGUPAN CITY – Mahigit 70 kabahayan ang umabot na sa bubungan sa Barangay Oda, Agno, Pangasisnan ang naapektuhan matapos ang patuloy na pagragasa ng malakas na ulan sa nasabing lugar kahapon.

Dahil dito inilikas na ang mga residente ng Barangay Oda sa isang evacuation center sa malapit na lugar upang maging ligtas ito sakali mang tataas pa ang tubig.

Naging isolated din ang Sitio Palunapay na isa rin sa na apektuhan sa nasabing kalamidad.

Sa inisyal na report, mababa umano ang Barangay Oda at Sitio Palunapay at umapaw ang Agno River sa kanilang lugar at dahil dito sapilitang inilikas ang mga residente.

Naiulat na ang mga nasabing barangay ay malapit sa dagat.

Nagpakalat na din ang municipal government ng nasabing bayan ng relief goods upang bigyan ang mga pamilyang na apektuhan na nasabing kalamidad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply