70 toneladang busura na nahakot ng MMDA sa Manila Bay

UMABOT na sa 70 toneladang basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) katuwang ang local na pamahalaang Maynila mula sa Manila Bay sa Roxas Blvd.

Dahil sa sama ng panahon at bunsod ng monsoon surge ay tinangay ng malalaking alon ang tone-toneladang basura mula sa kalapit lugar ng baybayin ng Manila Bay.

Matatandaan na Lunes pa lang ay sinimulan na ang paglilinis at paghahakot sa mga basura na karamihan ay mga plastic, styrofoam, kitchen waste, kahoy at may naliligaw pang mga pawikan.

Pilit namang sumusuong ang ilang mangangalakal sa tambak ng basura sa Manila Bay sa pagbabakasaling makakakuha sila ng mapapakinabangan na maari nilang pagkakitaan ng malaki.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply