8 katao nalason sa butete

NAOSPITAL ang walong miyembro ng pamilya makaraang malason sa inulam na butete sa Brgy. Hilotongon, Bantayan City sa Cebu City.

Nabatid na isinugod sa ospital ang mga biktimang sina Alejandro Mingito, 51; mga anak na sina si Alvin, 13; at Rich Kay, 11; John Vincent Rayco, 9, apo; Dionisio Abrasada, 53; at ang kanyang mga anak na sina si Joseph, 33, at Joel, 23.

Nabatid na bumili si Alejandro Minguito ng isang tabo ng butete at niluto ito at ginawa nilang ulam ngunit matapos ang dalawang oras, nagsuka at sumakit ang kanilang tiyan kaya’t agad na dinala sa Bantayan District Hospital.

Maayos na ang kalagayan ng mga biktima ngunit patuloy pa ring inoobserbahan ang apat na nalason.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply