8 Koreano arestado sa iligal na sugal sa internet

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong  Korean National na umano’y sangkot sa illegal na sugal sa pamamagitan ng internet, ayon sa ulat.

Kinilala ang mga suspek na sina Mounghoon Park; Cha Se Woong; Kwon  Jang Hyuk; Jeong Man Seob; Lee Kyoung Mo; Jo Young Ho; Lee Chang Bum, at Moon Jung Whan.

Batay sa report na isinumiti kay NBI-Director Nonatus Caesar Roxas, nitong nakaraang July 20, isang alyas “Jerome” ang nag-ulat hinggil sa illegal na aktibidad ng isang Sung Lee, Korean National, na hindi naman nadakip, at iba pang kasamahan nito maging ang ilang Pinoy na nannunulayan isang condominium sa Roxas Blvd., Pasay City.

Nabatid sa ulat ng NBI, nakumpirma na ang mga koreano, ay kasama sa mga gumagawa ng illegal na sugal na operasyon sa pamamagitan ng internet, o online casino, na walang kaukulang papeles o awtoridad.

Dahil dito, matapos magpositibo ang kanilang imbestigayon, dito na nagpalabas ng search warrants ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 22 laban kay Sung Lee at may-ari at nanunuluyan sa mga units sa Towers A, B at C ng nasabing condominium.

Nitong August 1, ang NBI ay nagtungo sa lugar at iprinisinta sa search warrant.

Sa isinagawang operasyon ay naaktuhan ang mga suspek na nagmonitor, naghost, nag-ooperate at nagmimintina ng actual na operasyon ng casino gamit ang internet.

Nakumpiska ng NBI sa condominium ang mga computer units, monitors, CPU’s, modems, keyboard, laptop, hard disks, IPADs, routers, WIFI, landline telepono, mouse, cables,  LAN cards, iba-ibang dokumento, gaming cards at iba pang mga kagamitan na ginagamit sa illegal na operasyon ng sugal.

Ang mga suspek ay dinala sa NBI Headquarters, sa Taft Avenue sa Ermita, at nahaharap ang mga ito sa kaukulang kaso .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply