8 patay sa bagyong Igme – NDRRMC

UMABOT na sa walo ang nasasawi nang manalasa ang Bagyong Igme sa bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may tatlo pang nawawala habang may isang nasugatan.

Kabilang sa mga nasawi sina Michael DC Estacio, 15-anyos, La Union; Renante Frigillana, 45, La Union;  Patrick Ramilo, 18, La Union; Jimmy Jesus Gapuz, 43, La Union;  Michael Suarez Dajoya, Zamboanga del Sur; Eyen Tantan Opamin, Zamboanga del Sur; Rene Ragasa, 40-anyos, Zamboanga del Sur; at Jimmy Grimaldo, 51-anyos, Quezon Province.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng search operations kina Amado Rimando, 49-anyos; John Rex Gapuz, 15; at Crisanto Sibayan, 36, na pawang residente ng La Union.

Nasa 31 bahay naman ang nasira ng bagyo sa Regions 1 at 10.

Samantala, tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Igme kagabi matapos na muling pumasok sa bansa noong Lunes ng gabi.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply